11.20.2009

Committee Meeting

Ang punong abala na si Ate Michelle ay nagtawag po ng pagpupulong sa mga miyembro ng bawat kumite para sa ating Give Love Project.
Lunes o Martes po ang napagpiliang araw ngunit hindi pa sigurado kung alin sa dalawa.
Sa mga sandaling ito (araw ng Biyernes, ika-20 ng Nobyembre taong 2009; 9:05 ng umaga) ay ito na po ang mga nakakaboto sa mga napiling araw:

Lunes / mula alas sais ng gabi
1. Michelle
2. Ully
3. Janice
4. Wace
5. Gelo
6. Erin
7. Alex

Martes / mula alas sais ng gabi
1. Michelle
2. Jaja
3. Tuesday (este Vince pala!)
4. Teng

Maaari lamang pong bumoto o ilagay ang inyong pangalan sa napiling araw upang maisaayos na ang pagpupulong.

San mga hindi pa po nakakapagbigay ng kontribusyon (na katulad ko) maaari lamang pong makipag-ugnayan sa mga miyembro ng Finance Committee na sila Wace at Gelo. Hanggang sa ika-27 na lamang po ng Nobyembre ang pagbibigay ng pera. Maaari po ninyo itong iabot kina Wace at Gelo sa Lunes o sa kung kailan ninyo gusto o maaaring ihulog na lang ang pera sa bangko (BDO o BPI) sa mga sumusunod na account number habang wala pang sariling account number ang Give Love Project:
1. BPI-3076385705; Angelo Joseph Guinto
2. BDO:5310284533; Angelo Joseph Guinto
ipagbigay alam din po kina Wace at Gelo kung inihulog ninyo ang pera sa bangko.
sa mga may nais isama o sumama na hindi miyembro ng PCHRD Jologs sabihin po sa kanila na kailangan nilang bayaran ang Entrance Fee sa La Mesa Eco Park na nagkakahalaga ng:
  • P40 - kung ikaw ay residente ng Quezon City, dapat ay may dala kang ID na nagpapatunay na ikaw ay taga-QC
  • P50 - kung ikaw ay hindi residente ng Quezon City at ikaw ay 3ft pataas
  • P20 - kung ikaw ay estudyante ng paaralan sa Quezon City
  • Libre - kung ikaw ay Senior Citizen (na taga-QC) o bata na may taas na 3ft pababa
... at ang kontribusyon para sa inyong pagkain.
kung nais ninyong magkaroon ng T-Shirt ng proyektong ito maaari po lamang na mag-donate ng isang libo o higit pa.
yun lamang po.

kung bakit ito tagalog? walang basagan ng trip!

No comments:

Post a Comment