11.30.2009

bagong survey para sa sukat ng t-shirt na kasya sa inyo

matapos mapagtanto ni Manong na mahirap at hindi epektibo ang una niyang ginawang survey para sa mga sukat ng t-shirt na kailangang mai-order para sa Give Love Project (at dahil na rin siguro walang may gustong magsukat ng width at height ng kanilang waist at torso gamit ang ruler, metro o kahit anong panukat), naisipan ni Manong na gawing mas madali ang ikalawang t-shirt survey.

hindi na fill in the blanks, multiple choice na po ito kaya kayang-kaya ng sagutin ng lahat kahit nakapikit!

i-click lamang ang link na ito para sa survey, at ang link na ito kung hanggang sa kasalukuyan ay duda parin kayo sa inyong t-shirt size.

Pakatandaan na ang width na nabanggit sa naturang sukat ng t-shirt ay ang kalahati o higit ng isang pulgada (para hindi hapit sa inyong katawan ang naturang damit) sa naturang waist line. okay?

kaya sagutan na ang survey.

No comments:

Post a Comment